Home
argonaut's sword
King of Argonauts
Recent Entries 
11th-Nov-2006 09:35 am - Rochelle's First Movie
Hahahaha.. kay tagal tagal ko na ding di nakakapagblog.. anyway ang nagtulak sakin para magblog ngayon is because of my dream last night.. funny sya kasi parang nanunuod ako ng movie.. at guessw what kung sino bida si Vic Sotto.. di ko nga lang alam siguro kasi MMF na naman sa PInas at laging may entry si Vic Sotto.. ang malupit pa dun.. ang kanyang leading lady ay si Rochelle 'Ote' Ramos.. lupet di ba?!

Sobrang saya nung movie nila sa panaginip ko.. magical na may pagka comedy... hehehehe... ang story e mambobote daw si Vic Sotto tapos nakapulot sya ng bote na may magic pala.. at si Rochelle ang genie nya.. sobra saya.. ang daming magics na ginawa ni Ote.. syempre di mawawala dun ang the moves ni Ote.. hahaha.. nakakatuwa talaga kapag naalala ko ung panaginip na un... anyway syempre may kissing scenes di sila ni Vic Sotto.. at ang ending e mejo panget kasi kinailangan na ni Rochelle na pumasok ulit sa bote..hehehe

un.. miss ko na siguro talag si ote..syempre pati ang mga padz at madz na din..lahat sila... sabi nga ni icar e tahimik na daw sa APEX wala na kasi si Ote wala na syang kabanggaan sa harutan.. sabi ko pagbalik ko e sisimulan natin ulit and make APEX as lively nung nandun pa si Ote...
King of argonauts
19th-Jul-2006 03:13 pm - Thanks for my sponsor.....
Okay ang simula ng araw ko ng miyerkules... kahit na super loaded e naayos ko naman at na manage ng maayos ang workload.. at nakachat ko pa ung crush ko kaya sobrang okay ang araw....

un e literal na araw... araw lang talaga... kasi pagdating ng gabi.. syempre uwian na at luckily kung kailan kami bumababa ng sasakyan para pumasok na sa kanya-kanyang apartment e dun ko lang naalala na naiwan ko pala sa bin ko ung susi ko sa apartment at nakakahiya naman kay james na magpadrive pa ako pabalik ng office kasi ang layo talaga ng office sa flat namin... kaya ayun kina james ako makikitulog...

ang tanong? anong susuotin ko bukas papasok? un uli?... di pwede nakakahiya.. kaya tinulungan nila ako magplano kung anong gagawin ko.. unang suggestion ni Dario e manghiram daw ako ng damit kina Darlene at Ever.. para namang pwede no? hehehe...

And we have decided na pahihiramin na lang nila ako ng damit... kaya lang pano ang brief??? pahihiramin din nila ako? syempre di pwede kasi brief kaya un! para namang papayag sila..

Ang suggestion ni James e since naman daw na sanay na ako matulog ng nakahubad e laban ko na sa gabi ung brief ko na suot para matuyo.. hmmm.. nice idea di po ba.. kaya un ang ginawa ko.. pinahiram ako ni James ng short at gumising na lang ako ng alas 3 AM para laban ang brief, socks at inner shirt.. hehehe...

Kaya ayun... tHanks for my thursday sponsors.... James for the long-sleeves and thanks din kay Master Dario at inoffer nya ung black slacks nya kahit na masikip sakin.. nirecycle ko na lang ulit ung suot ko nung wednesday na slacks...

thanks talaga!!! nakaraos ang huwebes ng maayos at nakuha ko na din ang susi ko sa bin!!!!
blue sword
15th-Jul-2006 06:26 pm - Mother, Father, Brother Sister.......
Di ako sanay na gumigisng na di ko nakikita ang nanay ko na nagluluto ng almusal at baon ko.. di din ako sanay na di ko kinukurot ang yagballs ni louie at ronald para lang gisingin ko sila at di din ako sanay na di naririnig ang boses ng tatay ko..

Ilang araw na din akong gumigising magisa sa napakalaking apartment at sinasanay ang sarili sa panibagong routine... pagkagising punta sa ref at magisip ng babaonin for lunch syempre choose between luncheon meat and hotdog na naman ako at napakahirap isipin nun.. hehehe tapos un na din ang aalmusalin ko so bread life ang tawag ko dun.. naglalaway na ko sa kanin potekkk!!!

After magluto.. ayun plantsa na ng damit then almusal.. unat unat konti pagmasdan ang pool then un na ligo na... punta sa apartment nila Dario then pasok na...

Miss ko na din pamilya ko and friends pero di naman parang tulad ng sinasabi ng iba na sobrang homesick kasi sanay din naman ako magisa at marunong din naman ako kumilos...

Maybe its just that gusto ko lang silang makita, marinig at madama....
jason
parang di ako nagtravel ng 16 hours at parang wala akong jetlog. Sakto pagsundo sakin nila Dario e may gathering kaming pupuntahan... its a Filipino Community Gathering kaya naeexcite din ako. There are around 20 Filipinos here at Mauritius including us, karamihan sa kanila is nakapagasawa ng mauritian at puro pinay... parang di ko kaagad namiss ang Pilipinas kasi puro pinoy agad ang nakita ko and mababait sila lahat. Sobrang masasaya sila kapag may mga nakikita ding pinoy. Kami naman para kaming OFW na din in a sense na naghahanap ng kapwa Filipino sa isang malayong kabihasnan... (hehehe). Nameet ko din dun ang girl na ewan ko at lakas ng tama ko na naman! Sobra... ganun ung first time na nafeel ko nung nakita ko si Herlyn and Gladys.... I've met another OGL (One Great Love) of my life.. I dont know why I have that kind of heartbeat nung nakita ko sya... besides pagod ako di ko dapat sya mapansin. Pero ewan ko... She's a half-pinoy-mauritian.. Alam kong di dapat ako mafall kasi sandali lang ako dito pero sabi nga ni James 'I finally found someone' daw ang drama... And ika naman ni Ever e'Let the love Begin' kaya lang pinasukan ng 'FRANCE' ni Darlene...Anyway ayun katakawan na naman ang pinairal kasi sarap ng handa and un may initiation sa mga first timer kailangan kumanta at pati ba naman WOW Magic sing e nakaabot dito.

No Choice, I really have to sing. Syempre at first kinakabahan ako kasi pagod nga ako at baka ako pumiyok at ang piniling song pa ni Dario e 'Careless Whisper' so ala Macho Dancer ang dating.. then un na... un na... un na.... nagwala na ako... hehehee... pero syempre todo birit and they were shocked not because nagwala ako kundi maganda daw pala boses ko.. hehehe.. pati ung mga mauritians sa labas na naguusap e nagpasukan..

'Tonight the Music, seems so loud!'
'I wish I couldn’t lose this crowd'
'Maybe its better this way!.....'

Yun na.. unnanimous decision! the birth of Mauritius Idol...
King of argonauts
Haayyy.. 2:30 PM nakadating ako sa Airport syempre walang naganap na iyakan kasi ilang buwan lang naman ako mawawala.. tsaka ang jologs kaya kung meron pa nun.. nagcheck in kami ni Sir Derrick (pinsan ni Ms. Eyms) sa Emirates ng 3:00 PM and ang handcarry ko ay nasa 15 kls and ang baggage ko ay nasa 31 kls... sabi kasi ng ate ko e lulusot naman. Unfortunately bigla po silang naghigpit so kailangan 7 kls lang talaga ang handcarry and 20 kls lang sa baggage so ang laki ng sobra ko.. kung babayaran ko naman ung excess e mga nasa 25K pesos ang babayaran ko so buti nalang may dalang sasakyan ung si Sir Derrick kaya ayun I need to open my baggage and magbawas ng magbawas at pinadala ko na lang sa relatives ni Ms. Eyms... thanks po talaga Ms. Eyms sa lahat....

Ayun mejo kabado pa sa immigration sabi ni Sir Derrick e sa babae daw kami pumila para daw bumait sa amin at sa wakas nakalusot din... then nakapasok ako sa EK333 ng 6:30 PM.. 6:45 ang flight namin pero nadelay naging 8:30 PM na kami nakalipad at talagang sinabi pa ng airport staff na kaya nadelay ang flight kasi nasira daw un engine so they need to fix pa daw pati ang pagleak ng oil e sabihin din kaya lalo kami kinabahan.... at habang di pa lumalanding sa Dubai kung saan ang stop over ko e talaga kakabog ang dibdib mo kasi nga nakasakay ka sa sirang airbus na kakaayos lang....

Di ako nagenjoy sa EK333 kasi di masarap ung food at di kagandahan ang stewardees isa lang ang pretty ung koreana na ang cute cute pa magsalita... syempre at first mejo namangha ako sa mga kagamitan sa eroplano... hehehe.. may kankanyang monitor wala naman masyadong palabas...

So at exactly 12:45 AM e lumanding na ako sa Dubai Airport tapos ang flight ko dun e nasa 2:45 pa so kailangan pang maghintay... di ko sinayang ang opportunity na makapagpicture picture pa dun masabi ko lang na nakatapak na din ako sa Dubai kaya habang naglalakad ako sa napakagandang airport ng Dubai e panay na kuha ng picture at syempre observe na din dun.. e kahit san ka lumingon e puro pinoy din..

Eto pa nakakatawa, kailangan na namin maghiwalang ni Sir Derrick sa Dubai kasi hanggang Dubai lang sya at ako stopover lang. Nagulat ako ng may mga group of pinoys na sumabay sa akin pero papuntang Jedah.. mga muslim sila and first time din nila tapos sakin sila sumusunod kasi di nila ata alam.. (para namang may alam din ako) then pagpasok namin sa loob ng airport may isang airport staff bombay na sumalubong sa amin.. ang sabi e 'Bagou you?' 'Bagou you?' tapos tinanong ako nung mga pinoy kung first time ko din syempre oo sagot ko.. then ung tanong nung staff akala ko e salitang pinoy na 'Bago ka?' --> para sa mga first timer ba ito? hehehe edi nung una tumango ako.. hehheehe (tanga talaga ako) un pala ang sinasabi nung staff e name ng place na next flight kaya ang ginawa ko para di na ako malito e humiwalay na ako dun sa mga pinoy na papuntang jedah... hehehe.. bangag na din kasi ako nuon kasi wala pa talaga akong tulog e... hehehe


2:00 AM pinapasok na kami sa BOOEING777.. maganda at mas malaki.. tapos nagtataka ako kung bakit may 2 chinese na pilit ng sabay ng sabay sa akin e pangkero pa naman ung 2.. may mga tatoo tapos mukhang gangster akala ata e chinese din ako. then buti na lang di sila ang katabi ko pero parang welcome na din sakin papuntang Mauritius kasi ang nakatabi ko 2 Indian na grabe ang lakas.. (alam nyo na un).. so ang ginawa ko e sanayin na lang para pagdating ko e di na ko magrereklamo.. hehehe.. natutuwa ako sa mga movies dun kasi may mga pinoy movies so ang pinanuod ko e ung kay Jericho at Kristine at madami pang iba...

Sakto 10:15 AM lumanding na kami sa Mauritius ang bansang titirhan ko hanggang December at ayun super siyasat na naman ang mga taga immigration.. un ata talaga ang trabaho nila.. ang mangintriga at mangasar.. hehehe.. pero friendly ang mga tao... luckily wala pa lang naset ang accenture na susundo sa akin ang akala ko e naayos na kaya hinihintay ko ung taong magdadala ng plakard ng pangalan ko... nakakatuwa lang kasi ang mga plakard nila ay nakatupi so pano mo mababasa na ikaw pala ang nakasulat dun.. e malabo pa mata ko so kailangan kong pabuksan isa isa ang mga plakard nila... at ayun di ko nakita ang pangalan ko.. naawa na ata sakin ung ibang nandun at tinulungan na nila ako maghanap ng susundo sa akin at super friendly talaga sila kaya sabi ko di ako mahohomesick dito.. sana nga...kaya wala akong nagawa kundi tawagan si Master Dario at James to fetch me up in the airport...


Naiintindihan ko naman sila kaya hanggat maaari e ayaw nila akong sunduin kasi ba naman e napakalayo ng lalakbayin nila.. sobra... pero no choice kasi walang susundo sakin kaya very thankful ako at sinundo nila ako, so I need to wait for 1 1/2 hours para makadating sila.. kaya habang naghihintay ako e observe na muna sa culture nila... at may bago na akong friends ang mga pinoy peoplesoft peepz.. sina Darlene, Ever and James...

Nakapatraumatic at napakagandang adventure ang first time ko... :)

Lessons Learned: Wag makulit! kapag sinabing 20 kilos lang e 20 kilos lang (hehehehe)
blue sword
5th-Jul-2006 04:56 pm - eto ang isa sa mga hilig ko...
Im so happy at sa wakas natapos na din ang pinakahihintay kong matapos… at ito un… ito mismo.. itong binabasahan mo ng sulat na ito… hehehe… anyway I would like to acknowledge rochelle’s help, idea, patience and time for this. Magandang pabaon eto sa pagalis ko.. syempre talagang happy ako kasi im sure na eto ang magiging past time ko sa Mauritius..

Actually mix emotions ang nafi-feel ko sa on-shore assignment na to. First Im happy because of the trust na binigay sakin ng company beside of my short experience (wala pa akong 1 year dito sa Accenture) e maganda na ang plans ng management sakin and I want to thank GOD sa lahat ng to. It’s been a great leap for my career, sa totoo lang nageenjoy pa lang ako sa level ko ngayon… wala pa po ako sa career mode ng buhay trabaho ko pero I treat this as an immediate turn of events sa career ko. I’m happy also because I know through this on-shore assignment I can help my family’s financial needs.

At the same time, I’m sad for the reason that I will surely miss my colleagues here at Manila… almost all of them kasi they are the reasons why di ako nakakaramdam ng pagod sa work ko kahit na 24/7 support pa ako. I will surely miss you! Syempre mamimiss ko din ung family ko, sobra! (parang ang tagal ko namang mawawala e till December lang naman ako dun hehehe)… First time ko kasi tong lumabas ng bansa kaya siguro ganito feelings ko na parang ang tagal kong mawawala. Unlike nung nasa Cavite lang ako, sakay lang ako ng bus e makikita ko na family ko.

Mamimiss ko ung mga green moments namin nila ote, harry ivy at icar, pati ung mga kwentuhan namin ni Ice at mga asaran past time with the IFX team.
Syempre pati na din ung pagdayo-dayo ko sa mga kalokohan with the Diageo team (Ianne, Bespren Liyan, Bayar Jacque, Maele, Dj, Erjo and Annie). Wala na ding meryenda time with Icar and the rest of the takaw gangs. Lalo na ang pagpuslit sakin ni Ivy ng snack kapag wednesday meryenda day ng IFX hehehehe....

Eto ngayon si Ivy nagliligpit na din ng mga gamit nya kasi magmomove na naman sya ng workspace nya sa IFX station kaya lalong sad kasi madaming mawawala sa cube namin.

May isa pa pala akong miss na miss.. un ay si Ms. Lady! Ang dakillang STL ang unang TL ko na sobrang bait at idol talaga! Kaya lang super busy sya kaya I understand but still sana mabasa nya to kasi I want to thank her kasi wala ako sa kinalalagyan ko ngayon dito sa Accenture without her.

Eto pa pala.. pare-parehas na kaming may LSS (Last Song Syndrome) nila Ivy at Icar.. ung sakit na kusa na lang bubukas ang bibig mo at kakantahin ang favorite song namin na ‘Dahil Ikaw’ ng True Faith

“ Dahil Ikaw ang sigaw ng puso ko,
Ikaw ang nasa isip ko,
Nais ko ay malaman mo“


“ Na ikaw ang hanap sa buhay,
Pag-ibig ko sayo’y ibibigay,
Nais ko ay malaman mo“



Yan na! Patay kabisado na! hehehe…

May expectation's meeting pa ako with my new team! Kaya yan muna.. marami pa akong kwento pero irereserve ko na sa ibang araw.. hehehe…
jason
This page was loaded Dec 3rd 2009, 8:11 am GMT.